Friday, April 30, 2010

MARIAN

MASAYA si Marian Rivera sa nakikita niya na halos lahat daw ng taong nakakausap niya ay excited na makita silang ikasal ni Dingdong Dantes. Pero, sey nga niya, ayaw raw niyang pangunahan ang araw na ‘yun.


“Mahirap kasing pangunahan. Mas maige na relax lang at enjoy.

At least, kung dumating ang time na ‘yun, mas mabuti na relax ka lang. So happy ka, ‘di ba?” sey niya.


Plano na ba nilang pakasal next year o 3 years from now?


“Ay, mahirap magbigay ng plano na this year or next year. Hindi ako ganun. Kung ano ang dumating, ‘yun ang gagawin ko. Kung hindi, eh, ‘di tuloy pa rin ang buhay.”


On the other hand, excited na rin si Marian sa showing ng pelikula nila ni Dong na You To Me Are Everything.


“Napanood ko na kasi halos ‘yung mo­vie at masaya ako sa kina­labasan. Nakakasi­guro ako na magugustuhan ng mga fans ang mo­vie kapag pinanoood na nila,” say na lang ni Ma­rian.









keep updated with addictuzz

Link: BabaCin